January 24, 2026

Capitalizations Index – B ∞/21M

Overledger — Ang Blockchain Operating System (OS) para sa hinaharap

Blockchain on Medium
Overledger — Ang Blockchain Operating System (OS) para sa hinaharap

Overledger — Ang Blockchain Operating System (OS) para sa hinaharap

Overledger — ang blockchain operating system (os) para sa hinaharap

Sa paglipas ng panahon marami ng mga makabagong teknolohiya ang nagsimulang magsulputan na ang nais gawin ay bigyang solusyon ang mga problemang may kaugnayan sa pagpapabilis ng mga transaksyon sa parehas online at offline. Subalit sa mga panahong ito din, tanging iisa lamang ang talagang tumatak at sinisimulan ng gamitin ng mga naglalakihang mga pinansyal na institusyon at maging hindi sa kanilang sinisimulan na mga makabagong proseso ng pangangasiwa ng kanilang tala o database at ito ay ang blockchain. Para sa ilan ang blockchain ay maituturing na isang desentralisadong teknolohiya na unang ginamit upang itala ang mga transaksyon na nakakabit sa Bitcoin. Kinalaunan ang nasabing teknolohiya ay hindi nalang nakakabit sa naturang digital currency kundi ito ay sinisimulan na ding pag-aralan at gamitin para sa paggawa ng mga “permanente, pampubliko, transparent ledger system para sa pag-kolekta ng data”, at iba pa. Kasama ding nabuo kinalaunan ang mga non-cryptocurrency blockchains tulad ng Hyperledger, Counterparty, Factom, Bination, at iba pa, na may sarili ding punsyon at tampok.

Pero sa dinami-dami ng mga makabagong ideya patungkol sa blockchain naririyan pa din ang problema kung paano nga ba gagamitin ang mga ito upang makabuo ng komunikasyon sa isa’t isa sa magkakaibang mga tanikala ng kontrata? Halimbawa, kung ang isang kontrata ay ginawa sa pamamagitan ng Ethereum contract makikilala ba ang kontratang ito sa iba ding sistema ng blockchain tulad nalang halimbawa ng Hyperledger?

Maaring ang sagot sa ngayon dito ay hindi pero hindi din ito imposible na magawan ng solusyon o kaparaanan. Dito na pumapasok ngayon ang solusyon na gustong ibahagi ng Quant Network at ito ay ang tinatawag na Overledger. Pero ano nga ba ito at ano nga ba ang solusyon nitong hatid?

Kung babasahin ang business paper ng Quant Network, mababasa dito na ang Overledger ay isang blockchain Operating System (OS) para sa hinaharap. Ito ay magagamit upang magbigay kapangyarihan sa mga “applications to function across multiple blockchains.” Dagdag pa dito, ang Overledger din ay maingat na nag-aalis ng “barriers” na pumipigil sa komunikasyon sa maraming blockchains, na makakapagbigay ng walang katapusang mga posibilidad para sa iyong data at mga application. Sa madaling salita, ang mga solusyon na iginagawad ng Overledger ay para sa mga sumusunod:

1. To “… unlock and distribute value and applications across current and future blockchains.”

2. To “… connect the world’s networks to blockchains and ensures you’re not limited to any single a vendor or technology.”

3. To “facilitates the development of internet-scales development of decentralised, multi-chain applications.”

Samakatuwid, ang layon ng Overledger ay maaring maibuod sa maikling talata na ito, “to facilitates the development of multi-chains applications (MApps).” Sa pamamaraan na ito kahit anumang uri o klase ng blockchains ang gamitin ng bawat transakyon at kontrata ay maaaring padaanin ito kahit pa magkakaiba ang kanilang sistema o protocol. Pwede na ang Ethereum-Hyperledger contract swap, Hyperledger-Tezos, Ethereum-Counterparty, kumbaga kahit anumang uri ng blockchain o kaya distributed ledger technology (DLT) ang gamitin ay magagawa ng Overledger na ito ay pagkonektahin.

Overledger — ang blockchain operating system (os) para sa hinaharapSource

Para kanino ba ito at sino-sino nga ba ang mga maaring makinabang dito?

Ang mga sumusunod na nasa larawan ay ang mga pwedeng gumamit at makinabang sa Overledger:

Overledger — ang blockchain operating system (os) para sa hinaharap

Sa kasalukuyan ang Quant ay nagsasagawa ng kanilang token generation event (TGE) na nagsimula nito lamang ika-dalawa (2) ng Abril at magtatapos sa ika-tatlumpo (30) ng nabanggit din na buwan. Heto pa ang mga karagdagang impormasyon patungkol sa kanilang ICO:

Token Structure

Uri ng token: ERC20 standard token

Ticker: QNT

Decimals: 18

Bilang ng QNT tokens na ibebenta: 31,000,000 tokens

Bilang ng QNT tokens para sa reserba ng kumpanya: 14,467,000 tokens

Minimum: 5,000,000 USD. Kung hindi ito maabot — ang pera ay ibabalik sa mga nakilahok

Presyo ng QNT sa TGE: 1.60 USD

Issuer: Quant Network AG (Zug — CH)

_________

Mga importanteng mga koneksyon

Website

Whitepaper | Business Paper

Github

LinkedIn

Facebook

Twitter

Instagram

YouTube

Telegram group

Bounty

Overledger — ang blockchain operating system (os) para sa hinaharap

Previous Article

Buy the Dip: Satirical Film’s Trailer Proves You Can Love Crypto – and Laugh About it Too

Next Article

Ethereum Price Weekly Analysis – ETH/USD Could Recover Further

You might be interested in …